Wednesday, September 22, 2010

Pagmumuni-muni

Ang pagmamahal ay pwedeng iparamdam ng kahit na sino pero ang tunay na pagmamahal ay mabibigay lang ng isang tao. Nagmamahal tayo hindi para lang sumaya, kailangan din natin paghandaan lahat ng sakit na pwede natin maranasan. Kahit gaano pa tayo kabait, hindi tayo kayang protektahan ng mundo para iwasan makaramdam ng sakit.

Kaya kung magmamahal ka, kailangan mo ng matibay na puso at tandaan na kahit paulit-ulit ang mga dahilan kung bakit naghihiwalay, may isang taong darating para buoin ang nasira, nagbago at nawalang ikaw at magpapatunay na hindi lahat ng taong makikilala mo ay sasaktan ka lang.

2 comments:

  1. "kahit paulit-ulit ang mga dahilan kung bakit naghihiwalay, may isang taong darating para buoin ang nasira, nagbago at nawalang ikaw" --super Likey!

    2 thumbs up sis! =^.^=

    ReplyDelete
  2. Kahit gaano pa tayo kabait, hindi tayo kayang protektahan ng mundo para iwasan makaramdam ng sakit.

    >>aray ko dito tol... saklap talaga...

    ReplyDelete